BITUIN AT PANGANORIN
Ako’y
nagsapanganorin upang ikaw’y makausap
At sa pisngi niyong langit ang dilim ko’y inilatag;
Ang nais ko’y matapakan ka ng sapot kong mga ulap
At nang yaong pagsikat mo’y ako lang ang makamalas:
Bituin
kang sakdal gandang hatinggabi kung sumilang
Na Buwan ang iyong ina at ang ama’y yaong Araw,
Ang Araw na iyong ama nang malubog sa kanluran
Ay nagsabi sa palad kong huwag kitang lalapitan.
Ako
nama’y sumang-ayon dapwat ako’y Panganorin
Na talagang hatinggabi kung lumapit sa Bituin,
Kaya ikaw, Bituin ko’y nasuyo ko’t naging akin.
Liwanag
mo at dilim ko’y magdamag ding naghalikan,
Ngunit tayo’y inumaga! … Akong dilim ay naparam
At natakot sa ama mong nandidilat sa silangan!
ANG
AKING INA
Gaya rin ng iba, ang ina kong giliw
Ay inang mayumi’t lubhang maramdamin,
Inang hindi yuko sa mga hilahil,
Inang mapagbata at siya kong virgen.
Mayrong isang Diyos na kinikilala,
May isang dakilang pananampalataya,
Sa kanya ang madla’y kulay ng umaga,
Ang galit ay awa’t sa poot ay tawa.
Siya ang dakilang Batas sa tahanan,
Kamay na masipag, Kampana ng buhay,
Susi ng pag-ibig na kagalanggalang.
Sa kanya ang lahat ay pawang mabuti,
Ang dukha’t mayaman ay kapuripuri
Palibhasa’y inang may puso’t pagkasi.
ANG
MGA LABI MO
Ang
mg̃a labi mo ay dalawang lang̃it,
Lang̃it-na
di bughaw, ni lang̃it ng̃ hapis,
Labi
ng̃ bulaklak na kapwa ninibig
Labing
mababang̃o, sariwa't malinis.
Labi
ng̃ sampagang may pait at awa,
Tipunan
ng̃ pulót, tamis at biyaya,
Sisidlang
ang lama'y kabang̃uhang pawa,
Pook
na tipanan ng̃ hamog at diwa.
Tagapamalita
ng̃ lihim ng̃ puso,
May
oo at hindi, may tutol at samo,
May
buhay at palad, may tula't pagsuyo.
Ang̃
mg̃a labi mo'y may pulót na tang̃i
Kung
iyan ang aking pagkaing palagi'y
Talo
ko ang lahat, talo ko ang Hari.
LUHA
Luha ay
pumapatak,kapag ika’y nasasaktan
Maaari
din naming n ito’y sa sobrang galak,
At kapag
nakita ng kapwa na hirang
Kasunod
na nito Ang paglingang ganap.
Agad
magtatanong kung ano ang nangyari?
May
problema ka ba? O May umaapi?
Maaari
din naman na may sumasakit
O hindi
matiis ang bigat ng dibdib .
Pero mas
masarap na ika’y lumuha
Nang
dahil sa tuwa at sobrang galak
Dahil sa
biyaya na iyong natanggap
Kaya’ t
sa pasalama’t ang luha’y pumatak.
Ngunit
mas masarap na ika’y lumuha
At ito’y
pahirin ng mahal mong sinta
Na nasa
iyong tabi, Kasabay ang sabing,
HINDI KA
NA LULUHA PANG MULI.
NGITI
Ang ngiti sa iyong labi ay huwag mong iwawaglit,
Pagkat ito sa iba’y kapayapaan ang hatid.
Huwag hahayaang sa iba’y ipagkait
Kahit saang dako ikaw makarating.
Ang biloy sa iyong pisngi,kapag ika’y nakangiti
Para kang inosenteng munting sanggol
Na sa duyan naka imbi
Hayaan mo lamang habang lumalaki
At sa buhay mo ay maging bahagi.
Reaction: Out of five poems I choose NGITI . The poem NGITI says that don't loss your smile in your lips. Smile make us strong and make us calm in every way. Smiling have been shown to lessen pain. Smile release endorphin's that lift our moods, but many of these act as natural painkillers too.